Rizal Super Health Center Ground Breaking

Magandang araw sa lahat! Kamakailan lang naganap ang Ground Breaking Ceremony para sa proyektong Super Health Center, Multipurpose Building, at Bulwagan ng Kabataan dito sa Rizal, Nueva Ecija. Nagsimula na ang mga pangarap natin. Isinagawa ang seremonya noong Lunes, January 9, 2023, na naglalayong magbigay ng dekalidad na serbisyong medikal, maganda at kapaki-pakinabang na pasilidad sa ating bayan.

Lubos nating pinasasalamatan ang ating kongresista na si Congressman Joseph Violago, at Congresswoman Mikki Violago, kasama ang iba pang mga opisyal tulad ni Dr. Edwin Santiago ng DOH, Atty. Ofelio Tactac ng DILG, Sangguniang Bayan, Sangguniang Barangays, LGU employees, at mga katuwang natin sa paglilingkod na dumalo sa nasabing seremonya.

Ang Super Health Center ay isa sa mga inisyatibo ng Senate Committee on Health Chair na si Senator Bong Go. Ang pondo para dito ay nagmula sa Department of Health (DOH), na pinaglaban ni Senador Go sa Senado kasama ang iba pang mga mambabatas, at sa tulong rin ng ating dating Kongresistang si Mikki Violago. Ang Bulwagan ng Kabataan naman ay naging gantimpala sa atin dahil sa ating tagumpay bilang isang Seal of Good Local Governance (SGLG) awardee noong nakaraang taon.

Nais ko rin magpasalamat sa Panginoon sa lahat ng mga pagkakataon at biyayang ibinigay Niya sa atin. Sa Iyo ang lahat ng papuri, Panginoon namin.

Kasama sa aking pangako na tapat na paglilingkod, asahan po ninyo na tutuparin natin ang ating mga pangarap para sa ating bayan ng Rizal. Ito ay ilan lamang sa marami pang mga plano para sa ikauunlad ng ating bayan. Patuloy tayong magbibigay liwanag at magpapabilis sa pag-unlad ng Rizal.

Rizal Nueva Ecija

Leave a Comment